-- Advertisements --

Ibinunyag ni dating United Kingdom Prime Minister David Cameron na ito ay gumaling mula sa prostate cancer.

Sinabi ng 59-anyos na si Cameron, na hinikayat siya ng kaniyang asawang si Samantha na sumailalim sa prostate cancer testing.

Bagamat mataas ang levels ng kaniyang cancer ay naging positibo pa rin ito na gagaling.

Matapos ang focal therapy na kinabibilangan ng paggamit ng karayom para mailipat sa electric pulses na siyang magsisira sa cancer.

Dahil sa paggaling ay kabilang na siya sa mga nananawagan ng mas maraming screening para sa prostate cancer.

Ang prostate cancer ay ikalawa sa common cancer sa mga lalaki sa United States na ang una ay ang non-melanoma skin cancers.