-- Advertisements --

Kritikal ang kalagayan ngayon ni dating UFC star Mark Coleman matapos na iligtas nito ang kaniyang magulang mula sa nasusunog nilang bahay.

Sinabi ng kaniyang anak na si Morgan, na nagpabalik-balik ang ama nito sa nasusunog na bahay ng magulang para mailabas ang magulang.

Bigla na lamang itong nawalan ng malay habang inililigtas ang kanilang rescue dog mula sa nasusunog na bahay.

Dinala na sa pagamutan ang MMA star at ito ay nasa kritikal pa rin ang kalagayan.

Nagpaabot naman ng pagdarasal para sa agarang paggaling ng kapwa nitong MMA fighter matapos na mabalitaan ang insidente.

Si Coleman ay isa sa influential fighter sa kasaysayan ng UFC na siyang unang heavyweight champion.

Nagretiro ito na mayroong record na 16 na panalo at 10 talo at tinanghal bilang UFC Hall of Fame noong 2008.