-- Advertisements --

Pinatawan ng tatlong taon na makilahok sa anumang football events ng FIFA si dating Royal Spanish Football Federation president Luis Rubiales.

Kasunod ito sa ginawa niyang paghalik sa star player ng Spain na si Jennifer Hermoso matapos na magkampeon sila sa Women’s World Cup noong Agosto.

Ayon sa FIFA na ang ginawa ni Rubiales ay isang uri ng paglabag sa article 13 ng disciplinary code.

Ang nasabing ban ay sakop ng lahat ng mga aktibidad na may kinalaman sa football national man o sa international levels.

Paglilinaw nila na maari nitong iapela sa FIFA Appeal Committee.

Magugunitang maraming mga bansa ang nagkondina sa ginawa na ito ni Rubiales na nagresulta sa pagbaba nito sa puwesto.