-- Advertisements --

Inanunsiyo ni dating South Carolina Republican Governor Nikki Haley na ito ay tatakbo sa pagkapangulo ng US sa darating na 2024.

Siya ang unang Republican na nagpahayag ng interest ng pagtakbo sa pagkapangulo.

Posibleng makaharap nito sa pagtakbo sa pagkapangulo si dating US President Donald Trump.

Sa inilabas nitong video, sinabi niya na makailang beses na nabigo ang Washington kaya nararapat na ito ay may bagong manunungkulan sa kaniyang katauhan.

Nanungkulan bilang US ambassador to the United Nations si Haley sa ilalim noon ni dating President Trump.