-- Advertisements --

Ibinunyag ni former Senator Antonio Trillanes IV na nakatanggap siya ng impormasyon nagsasabing ang ilan sa mga kasapi ng nagpakilalang mga dating sundalo ay may plano ng bumigay o umatras.

Aniya’y mayroon sa naturang grupo ang posible at malapit ng magsabi ng buong katotohanan ukol sa kanilang paglantad o pagharap sa publiko.

Umaasa kasi ang dating mambabatas na sa mga susunod na lingkod ay maaring mabuo na kwento at mabigyang kaliwanagan ang mga alegasyon o paratang ng 18-nagpakilalang mga dating sundalo.

Dagdag pa ni former Sen. Trillanes na ang limang kasamahan na hindi kabilang sa 18 ay napag-alaman din umano na inalukan ng pera.

Subalit ayon sa dating senador, hindi tinanggap ng mga ito ang pera para lamang lumabas sa publiko at ilahad ang mga rebelasyon korapsyon sa pamahalaan.

Gayunpaman, pagtitiyak ni dating Sen. Trillanes IV na kanyang sasabihin o ibabahagi ang impormasyon sakaling maari ng isapubliko ang nalalaman pa patungkol sa isyu.

Habang tumanggi ng sagutin ng dating senador sa kung sino ang kanyang pinagkuhaan ng ulat o ‘source’ sa nabanggit na rebelasyon pag-ataras na umano ng ilan sa mga dating sundalo.

Hindi aniya bababa sa lima ang sinasabing inalukan rin ng pera para sa pagpopondo sa mga tauhan o imbestigador ng International Criminal Court ngunit tumanggi tanggapin ang pera.

Dagdag pa ni Trillanes na ilan sa kanila ay mga retirado na mula sa serbisyo habang ang iba nama’y aktibo.

Kasunod ang patungkol sa isyu ng ’18-dating sundalo’ matapos maghain si former Sen. Trillanes IV ng reklamong ‘cyber-libel’ laban sa nabanggit na grupo.

Kung maaalala naghain ng paunang reklamong kriminal ang dating mambabatas laban sa grupo kasama pati abogadong si Atty. Levito Baligod, Mike Defensor, Jay Sonza, Lorraine Badoy at Cathy Binag.

Reklamong perjury ang isinampa laban sa 18-dating sundalo habang ‘cyberlibel’ at paglabag sa Article 363 ng Revised Penal Code o Incriminating an Innocemt Person kay Atty. Baligod at ibang nabanggit.