-- Advertisements --

Inihayag ni dating Senate president at kasalukuyang chief presidential legal counsel ni Pangulong Bongbong Marcos na si Juan Ponce Enrile na dapat pinili na lamang ni PBBM na dedmahin ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na drug addict siya.

Tinutukoy ni Enrile ang naging pahayag kamakailan ni PBBM na posibleng epekto ng paggamit ni Duterte ng fentanyl kayat kung anu-ano na umano ang nasasabi ng dating pangulo laban sa kaniya kabilang na ang pag-akusa kay Marcos na gumagamit ito ng iligal na droga.

Sinabi din ni Enrile na sinabi lamang ni PBBM na tumugon lamang ito ng naayon at kung siya aniya ang tatanungin mas mamabutihin nitong dedmahin na lamang ito.

Samantala, nakatakdang mag-100 taong gulang na si Enrile sa Pebrero 14. Isinilang noong 1924 na may mahabang karera sa pulitika mula noong panahon pa ng administrasyon ni dati at yumaong Pangulong Diosdado Macapagal Arroyo noong 60s, sa ilalim ng rehimen ni dating Pang. Ferdinand Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyan na nagsisilbi ngayong chief presidential legal counsel ni PBBM.