-- Advertisements --
Nagkaayos na sina dating Senator Manny Pacquiao at dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Ibinahagi ng anak ni Singson na si Ako Ilocano Ako Party List Representative Richelle Singson-Michael ang mga video at larawan sa kaniyang social media ang pagyakap at pagkamayan ng dalawa.
Nakasaad pa sa caption na “mas malakas pa ang pagkakaibigan kaysa sa pulitika.”
Magugunitang nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil sa hindi sang-ayon si Pacquiao na taasan ang tobacco industry na isa sa mga pangunahing industriya ng mga taga-Ilocos.
Kung maalala sa maraming laban noon ni Pacman ay naging masugid niyang tagasuporta at adviser si Chavit.