-- Advertisements --
Itinuturing ng presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siya ay conservative at maingat sa pagsasagawa ng desisyon para maiwasan na magkamali.
Sa pagdalo nito sa presidential interview ng SMNI (Sonshine Media Network International) ngayong Sabado, hindi nito direktang sinagot kung maituturing niya ba ang sarili bilang Machiavellian.
”Am I Machiavellian? Well, I’ve studied him quite thoroughly, and I know very many Machiavellians in my life,” ani Bongbong.
Tinutukoy nito ang political philosopher na si Nicollo Machiavelli na isang “optimist” at “high risk taker”
Isa rin aniya itong optimist kung saan maituturing na isang malaking asset ng bansa ang mga Pinoy.