-- Advertisements --

Muling nanguna ang tambalan nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakahuling presidential at vice presidential survey ng Publicus Asia Inc.

Sa December 6 hanggang 10, 2021 Pahayag Quarter 4 survey na nilahukan ng 1,500 respondents, nanguna sa mga presidentiable si Marcos na nakakuha ng 51.9 percent.

Sumunod si Vice President Leni Robredo, 20.2 percent; Manila Mayor Isko Moreno, 7.9 percent; Senador Bong Go, 3.9 percent, Senador Ping Lacson, 3.4 percent at Senador Manny Pacquiao, 2.3 percent.

Sa vice presidential candidates, nanguna si Mayor Sara na nakakuha ng 54.8 percent.

Sumunod si Dr. Willie Ong, 11.2 percent; Senate President Vicente Sotto III, 11.0 percent; Senador Kiko Pangilinan, 9.7 percent; Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, 1.5 at Walden Bello, 0.7 percent.

Samantala, pinangunahan din ng BBM-Sara UniTeam ang presidential at vice presidential survey ng DZRH Nationwide Pre-election survey.

Sa December 11 hanggang 12 survey ng DZRH, nanguna sa presidential aspirants si Marcos sa pamamagitan ng 49.2 percent; sumunod si Robredo, 16.2 percent; Moreno, 10.4 percent; Pacquiao, 8.2 percent; Go, 5.8 percent at Lacson, 4.9 percent.

Pinangunahan naman ni Mayor Sara ang vice presidentiables makaraang makakuha ng 50.5 percent; sumunod si Sotto, 20.7 percent; Pangilinan, 10.2 percent; Ong, 8.4 percent; Atienza, 2.2 percent; at Bello, 7.2 percent.