-- Advertisements --
Isasalang sa surgery si dating Sen. JV Ejercito dahil sa natamo nitong pinsala sa tuhod bunsod ng aksidente sa motorsiklo noong nakaraang taon.
Matatandaang Disyembre 22, 2019 nang maaksidente si Ejercito sa Tagaytay City.
Pero agad pinawi ng dating mambabatas ang pangamba ng kaniyang mga tagasuporta, dahil minor surgery lamang umano ang gagawin sa kaniya.
Tatanggalin aniya ang pamamaga ng tuhod dahil hindi ito humuhupa kahit ilang araw na matapos ang aksidente.
Nagpasalamat naman ito sa mga nagpapa-abot ng concern sa kaniyang kalagayan.