-- Advertisements --

Iginiit ni dating Russian president at ngayon ay deputy head security council na si Dmitry Medvedev na walang epekto sa kanilang bansa ang mga ipinapataw na sanctions.

Kasunod ito sa naging magkakasunod na pagpataw ng mga western countries ng sanctions sa mga bilyonaryo ng Russia.

Sinabi nito Medvedev na ang mga pinatawan na negosyante ay walang anumang impluwensiya sa kanilang bansa kaya ito ay balewala rin.

Taliwas naman ito sa paniniwala ng mga analyst na may epekto ang nasabing pagpataw ng sanctions sa mga oligarch dahil sa mapipilitan si Russian President na baguhin ang kaniyang estratehiya.