-- Advertisements --

ROXAS CITY – Handa umano ang Pangulong Rodrigo Duterte na muling bigyan ng armas ang nasa higit 700 dating rebelde sakaling ipitin ang mga ito ng mga iniwang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

Sa dinaluhang programa ni Duterte kagabi sa Jamindan, Capiz sinabi nito na hindi malabong balikan ng mga rebelde ang mga sumukong kasamahan kaya dapat daw na ihanda at protektahan ang mga ito.

Target ng pangulo na bigyan ng armas ang mga sumukong rebelde kapag natapos na ang kanilang training sa 3rd Infantry Division Headquarters bilang kasapi ng Special Civilian Active Auxiliary.

Batay sa record ng militar, nasa halos 340 armas, eksplosibo at bala ng baril ang isinuko ng mga dating rebelde. Hawak naman na ang mga ito ng militar.