Pumanaw na ang dating hepe ng military intelligence service na si Victor Corpus sa edad na 79.
Inanunsiyo ito ng pamangkin niya na si Jennies Cruz sa social media nito.
Hindi naman na binanggit pa ang sanhi ng nasabing kamatayan niya.
Si Corpus ay dating miyembro ng New People’s Army (NPA).
Sumuko ito sa Armed Forces of the Philippines noong Hulyo 14, 1976.
Nakulong ito ng ilang taon sa miltary prison bago naibalik sa pagiging sundalo bilang reserve officer noong 1987 sa pamamagitan ng kautusan ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Hinawakan niya ang ilang puwesto sa AFP noong 1990 bago naitalaga bilang intelligenc service chief ng AFP sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Naging manunulat din Corpus kung saan noong Enero 1, 1989 ay inilabas niya ang libro ng “Silent War” na tumatalakay sa counterinsurgency efforts ng gobyerno laban sa NPA.
Noong Enero 1, 2009 ng ilabas din ang libro niya na “America’s Dim Mak Points: Unrestricted Warfare in the 21st Century”.
Isinapelikula din ang buhay nito na may titulong “Operation: Get Victor Corpus” na inilabas noong 1987.