Kabilang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inimbitahan sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado kaugnay sa umano’y panunuhol sa people’s initiative campaign.
Ang pangalan ng dating Pangulo ay nasa guest list ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na pinangungunahan ni Sen. Imee Marcos kung saan ginanap ang pagdinig sa Davao city.
Maalala kamakaian na tinutulan ni Duterte ang panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas. Binalaan din niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baka matulad siya sa yapak ng kaniyang ama na si dating Pang. Ferdinand Marcos Sr. na mapatalsik sa pwesto tulad ng EDSA people power.
Ayon sa source mula sa naturang komite, nasa 5 testigo sa umano’y nangyaring suhulan sa people’s initiative ang dumalo sa pagdinig.
Una na ngang hiniling ni Sen. Ronald dela Rosa kay Sen. Imee Marcos na idaos ang ikalawang pagdinig kaugnay sa kontrobersiyal na siyu sa Davao city dahil marami aniya aniyang testigo ang nais na ireport ang kanilang nalalman kaugnay sa people’s initiative.
Maliban pa kay Duterte, inimbitahan din ng komite si People’s Initiative for Reform and Modernization Action (PIRMA) Lead Convenor Noel Oñate.
Kinumpirma din ni Adonis B.Ragasi na nauna ng pinangalanan ng isang testigo mula sa Bukidnon na kanila umanong recruiter ang kaniyang pagdalo sa pagdinig.
Ang iba pang mga kumpirmadong guest sa paagdinig ay ang mga election watchdog official na sina Atty. Rona Caritos ng Legal Network for Truthful Elections (Lente), National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawod (SNPP) , at Change Philippines, Inc.