-- Advertisements --
duterte PRRD agaton

Naglabas ng subpoena si Quezon City Senior Assistant City Prosecutor Ulric Badiola na nag-uutos kay Duterte na magtungo sa Office of the City Prosecutor, Justice Cecilia Muñoz Palma Building (Department of Justice) sa darating na Disyembre 4 at 11, 2023.

Inutusan din ang dating pangulo na magsumite ng kanyang counter-affidavit bilang tugon sa grave threats complaint na inihain ni Castro.

Kasama rin ang mga affidavit ng kanyang mga testigo at iba pang supporting documents.

Ipinatawag din si Castro, kasama ang kanyang mga saksi, upang muling pagtibayin ang katotohanan at mga paratang sa kanilang mga pahayag.

Nag-ugat ang reklamo sa mga banta umano ni Duterte laban kay Castro.

Una na rito, si Castro at 2 iba pang kinatawan ng Makabayan bloc ay naging mainit sa usapin sa confidential at intelligence funds ni VP at Education Secretary Sara Duterte.