-- Advertisements --

Hinamon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpa-drug test sa publiko para patunayan na hindi siya drug addict.

Sa isang press briefing sa Davao city, sinabi ni Duterte na gawin ito sa Luneta Park at magpakuha ng dugo mula sa independent entity o doktor.

Sinabi din ng dating pangulo na pati siya mismo ay magpapadrug test.

Inihayag din ni Duterte na gumagamit din umano ang isang opisyal ng Gabinete ng cocaine kasama si Pang. Marcos at iginiit na kasama sa drug watchlist si Marcos sa PDEA bagay na una ng pinabulaanan ng ahensiya.

Nagbanat din ito na kaniyang isasapubliko ang listahan ng PDEA sa oras na maipasakamay sa kaniya.

Ginawa ng dating pangulo ang naturang pahayag matapos hamunin ni House Speaker Romualdez na patunayan ang mga akusasyon niya laban kay Pang. Marcos na drug user ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya.