-- Advertisements --

Mayroong 78 percent ng mga Filipino ang nagsabing sila ay kuntento sa pamumuno ni Pangulong Rodriog Duterte.

Ayon sa Social Weather Station (SWS) Survey na mayroon lamang 13 percent ang nagsabing hindi sila kuntento habang siyam na porsyento ang hindi makapagdesisyon.
Isinagawa ang survey mula Abril 9 hanggang 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

Mayroong 1,440 na adults ang lumahok mula Metro Manila, Mindanao, Visayas at Luzon.

Halos lahat ng lugar kung saan isinagawa ang survey ay tumaas ang satisfaction ratings ng dating pangulo.

Nagkaroong lamang ng pagbaba mula sa dating ‘excellent’ ay naging “very good” lamang sa mga college graduates subalit sa kabuuang education groups ay mayroong “very good” ratings na nakuha si Duterte.