-- Advertisements --
Pinayuhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na dapat isantabi ang politikal interest sa pagsulong charter change.
Sinabi nito na hindi dapat unahin ng mga mambabatas ang pagpapalawig ng kanilang termino na siyang magiging layon para isulong ito.
Pinuna rin ng dating pangulo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kaya nya ipinagpipilit ang nasabing pagpapalit ng saligang batas ay dahil mayroon itong pansariling interest.
Iginiit nito na may kapangyarihan ang pangulo na gumastos para maaprubuhan ang isinusulong na Charter Change.
Naniniwala ito na hindi na dapat palitan ang saligang batas ng bansa.