-- Advertisements --

Binisita sa Malacañang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tinalakay nila ang ginawang pagpupulong ng dating pangulo kay Chinese President Xi Jinping noong nakaraang Hulyo 17.

Bukod pa dito ay hindi nagbigay pa ng ibang detalye ang Presidential Communications Office kung ano pa ang tinalakay ng dalawa.

Makikita naman sa social media post ni Senator Bong Go na kasamang dumalo sa pagpupulong ang ilang gabinete ni Marcos.

Ilan sa mga dito ay sina Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr, dating executive secretary Salvador Medialdea, kasalukuyang Executive Secretary Lucas Bersamin, National Defense Secretary Gilbert TeodoroJr at si Solicitor General Menardo Guevarra.