-- Advertisements --
Binalaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na baka matulad siya sa kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr, na pinatalsik sa puwesto dahil sa people power.
Sa talumpati ng dating pangulo sa isinagawang prayer rally sa Davao, sinabi nito na dapat huwag sumunod sa isinusulong ng ilang mambabatas na amendahan ang konstitusyon.
Inakusahan pa nito ang pangulo na gumagamit ng droga.
Hiniling din nito sa mga sundalo at mga kapulisan na protektahan ang konstitusyon.