-- Advertisements --
Pumanaw na si retired General Camilo Pancratius Pascua Cascolan.
Sinabi ng kaniyang anak na lalaki na namayapa na ang ama nito dakong 5:28 ng hapon nitong Biyernes sa edad na 59.
Hindi naman na binanggit nito ang sanhi ng kamatayan ng ama.
Si Cascolan ay naging Philippine National Police chief mula Setyembre hanggang Nobyembre 2021 at itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos bilang undersecretary ng Department of Health.
Dagdag pa ng anak nito na naging tapat sa serbisyo ang ama na nagsilbi sa PNP sa loob ng 42 taon.