-- Advertisements --
NOLI EALA 2

Kahit sa maikling panahon lang, pinasalamatan ni Noli Eala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong pagsilbihan ang mga atletang Pilipino bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

Kinumpirma ni Eala na aalis siya sa Philippine Sports Commission pagkatapos lamang ng apat na buwan sa posisyon kasunod ng pagkakatalaga kay Richard “Dickie” Bachmann bilang bagong chairman.

Sa kanyang pahayag, mariin niyang pinasalamatan si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa pagbibigay umano ng pagkakataon na pinaglingkod siya bilang namuno at nanguna sa ahensya ng Philippine Sports Commission para sa mga atleta ng ating bansa.

Ipinaabot din ni Eala ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga pinuno ng palakasan sa pagbibigay sa kanya ng walang patid na suporta sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Una na rito, itinalaga ni Pangulong Marcos ang dating University Athletic Associaton of the Philippines Commissioner Richard Bachmann bilang bagong Chairman ng Philippine Sports Commission.