-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating PBA player na si Eric Suguitan sa edad na 36.
Ayon sa kaanak nito na inatake ito sa puso habang natutulog.

Sumailalim na ito sa operasyon sa puso noong 2015.

Kinumpirma rin ng koponang NLEX Roadwarriors ang nasabing balita.

Naging bahagi kasi siya sa unang tatlong D-League ng NLEX mula 2011 hanggang 2012 season.

Naging pang-32 overall si Suguitan sa fourth round ng 2012 PBA draft
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga dating nakasama ni Suguitan sa D-League matapos na mabalitaan ang pagpanaw nito.