-- Advertisements --

Pinagbawalang makatakbo sa anumang puwesto sa gobyerno sa loob ng 5 taon si dating Pakistan Prime Minister Imran Khan.

May kaugnayan ito sa paghatol sa kaniya bilang guilty dahil sa kasong kurapsyon kung saan pinatawan ng pagkakakulong ng tatlong taon.

Nagbunsod ang kaso dahil sa pagtanggap nito ng regalo para mapagbigyan ang isang kumpanya na kumuha ng kontrata sa gobyerno.

Noong nakaraang linggo ay inaresto si Khan sa kaniyang bahay at ito ay inilipat sa Islamabad.