DAGUPAN CITY – Nahaharap sa reklamong pambabanta si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Cristino Naguiat matapos akusahan ng isang barangay captain sa Urdaneta City, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, ipinaabot ni Kapitan Pedro Orata Chairman Nel Tablada ang kanyang takot na nararamdaman para sa pamilya matapos umanong bantaan na ipapapatay ng dating opisyal.

Batay sa salaysay ng kapitan, bigla siyang dinuro ng former PAGCOR chair nang magkasabay sila sa ospital nitong Huwebes.

Bibili lang daw sana ng gamot si Tablada habang bibisita sa kanyang kapatid si Naguiat nang murahin at pagbantaan siya nito.

Kumbinsido ang barangay chairman na may kinalaman sa darating na halalan ang umano’y pananakot ng dating opisyal.

Sa ngayon ipina-blotter na raw ni Tabalada si Naguiat sa pulisya.