-- Advertisements --
Nagtamo ng sugat sa kaniyang iba’t-ibang bahagi ng katawan si dating NBA star Ray Allen matapos na maaksidente habang nagbibisikleta.
Sa kaniyang social media, ibinahagi nito ang pangyayari kung saan habang nagbibisikleta ay may kotse na huminto sa kaniyang likuran.
Tinignan niya ito subalit paglingon sa harap ay doon na lamang siya natumba.
Kung wala aniya itong suot na helmet ay baka maging grabe ang tinamo nito ng sugat.
Mabilis namang nakatayo ang 45-anyos na si Allen at umuwi sa kanilang bahay.
Ipinakita ng 2-time NBA Champion sa kaniyang social media ang mga sugata na natamo sa katawan dahil sa aksidente.
Pinayuhan niya ang mga followers na ugaliing magsuot ng helmet.