-- Advertisements --

Binawian na ng buhay si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at dating Marikina Rep. Bayani Fernando.

Ang kumpirmasyon ay nagmula mismo sa pamilyang naulila ng dating opisyal.

Una rito, isinugod sa Quirino Memorial Hospital si Fernando, subalit binawian din ng buhay.

Nabatid na nahulog si BF habang inaayos ang bubong ng bahay.

Agad naman na nagpaabot ng pakikiramay ang MMDA at iba pang naging katrabaho ng opisyal.

Nagsilbing MMDA chairman si Fernando noong 2002 hanggang 2009.