-- Advertisements --
received 284849695862466

Nabulabog kamakailan ang National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City dahil sa mga paratang ng dating chief administrative officer ng ospital na si Clarita Avila.

Gayunman, napag-alamang si Avila pala ay nasampahan ng ilang kaso dahil sa iba’t ibang anomalya na sinasabing kinasangkutan nito sa 30 taon niya bilang empleyado ng NCMH.

Ito din daw ang dahilan kung bakit nabansagang siyang “Godmother” ng ilang mga taga-NCMH.

Matatandaang nitong buwang kasalukuyan ay inakusahan ni Avila ang pamunuan ng NCMH na kulang sa paghahanda laban sa COVID-19.

Base sa kanyang Facebook post, kulang ang supply ng Personal Protective Equipment (PPEs) kung kaya takot na ang mga doctor na mag-duty doon.

Sinabi pa niyang parang pupunta sila sa giyera na wala namang baril.

Bunsod nito ay agad na pinadalhan ni NCMH chief Dr. Roland Cortez ng isang official letter si Avila.

Pinaalala niya kay Avila na bawal ang kanyang ginawang pagpapahayag sa media dahil hindi siya ang tagapagsalita ng NCMH at maituturing na “fake news” ang mga paratang nito base sa Administrative Memo ng Department of Health (DoH) 2020 0110-March 13 2020.

Una nang sinabi ni Cortez sa isang interview na hindi kulang ang supply ng PPE sa NCMH dahil may paparating pang tulong sa kanila ang DoH.

received 588076611801121

Pero tila hindi nagustuhan ni Avila ang pagpapaalala sa kanya ni Cortez kaya inakusahan niya ito na nagpapatupad daw ng isang “gag order.”

Noong April 14, 2020 ay natanggap ni Avila mula sa DoH ang order of reassignment niya patungo sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City.

Nilinaw ng pamunuan ng NCMH na pagpapalipat kay Avila ay hindi lamang dahil sa kanyang pahayag sa Media at paninira sa Facebook.

Nabatid na marami nang mga kaso na isinampa laban kay Avila.

Hindi bababa sa pito ang kontrobersyal na mga kaso na kinasasangkutan nito, isa ang hinihintay ang resolusyon, lima naman ay kasalukuyang iniimbestigahan at isa ay kakasampa lamang nitong Marso.

Ang Office of the Ombudsman (OMB) ang may hawak sa limang kaso at ang DoH Legal Service naman ay hawak ang dalawa.

Kabilang sa mga kaso ay nepotism, serious dishonesty and falsification of documents maging graft at malversation.

Sa kasong nepotism, alam naman daw ng lahat na ang mga anak ni Avila na sina Angel Aguilar (doctor na ang balita ang nag paaral at si GYR na ahente ng pagkain), Mark Aguilar, Roseni Aguilar at Sarah Joy Aguilar Lobo ay naging mga empleyado ng NCMH.

Nabigyan din ang bawat isa sa kanila ng immediate promotion.

Labag ito sa alituntunin ng Civil Service Commission (CSC).

Sa kasong serious dishonesty and falsification of documents ay ang hindi kumpletong detalye sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN).

Nabatid na hindi nito ibinunyag na anak niya si Angel Aguilar at si Angel naman ay hindi sinabi na Nanay nito si Avila.

Nabatid na si Angel ay isa sa mga incorporator ng Octant Builders base records ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ang naturang construction company ang nakakuha ng kontrata para sa 14 na infrastructure projects sa NCMH na nagkakahalaga P168 million.

Sa mga kasong graft and malversation naman, ilang beses na nadawit si Avila sa pag-mamaniobra ng ilang projects sa NCMH.

Isa sa pinakamalaking projects na nadamay ay ang sinasabing Land Development Project ng NCMH na pambili ng Lupa.

Ang halagang pinamahalaan ni Avila para sa project na ito ay nasa P320 million.

Pero hindi rin ito nagamit sa pagbili ng lupa at sa halip ay na-divert umano ito ni Avila sa ibang projects kahit walang naibigay na “re-alignment apporval” mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Hindi kasi basta-basta maaring ilipat ang perang nakalaan na para sa isang project.

Sa kaso na ito, “technical malversation” ang nagawa ni Avila at dapat umanong imbestigahan kung saan napunta ang napakalaking halaga.

Marami ang nadismaya na tila gumagalaw umano si Avila na parang sariling teritoryo nito at para pagkakitaan ang NCMH.

Ito umano ang dahilan kung bakit nabansagang siyang “Godmother” sa 30 taon nito sa NCMH.

Dahil dito, hindi naiwasan ang mga ispekulasyon na kaya nanggugulo si Avila sa NCMH ay para hindi na maisapubliko ang mga kaso o anomalya na kinasasangkutan niya.

Inaakala daw kasi nito na ibabalewala na ng mga tao ang patong-patong na kaso laban sa kanya kapag napaniwala niya sila sa mga alegasyon nito.

Ngunit nilinaw na ng pamunuan ng NCMH na pinoprotektahan nila ang lahat ng mga empleyado nila at si Avila lang ang may ibang sinasabi.

Samantala, nais din umano nito ang hikayatin ang kanyang mga pinasok na mga empleyado na i-petisyon si Dr. Cortez na makabalik sa East Avenue Medical Centet para hindi matuloy ang kaso niya sa P320 million at maibalik sa kanya ang kapangyarihan na nawala na sa kanya.