BACOLOD CITY – Kaugnayan sa illegal na druga ang isa sa mga anggulo na tinutukan ng mga pulis sa pagpatay sa dating player ng Metropolitan Basketball Association (MBA) sa lungsod ng Bacolod kahapon.
Ang dating punong barangay na si Manuel ‘Maui’ Huelar ay kakalabas lamang sa gym sa Barangay Villamonte, Bacoolod City nang binaril ng nag-iisang gunman.
Dahil sa tama sa kanyang ulo, kaagad na binaiwan ng buhay ang dating barangay official.
Kaagad na tumakas ang suspek habang narekober naman ng mga pulis ang dalawang empty shells ng .45 caliber pistol.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Renante Jomocan, station commander ng Bacolod Police Station 4, minsan nang naaresto si Huelar sa buy-bust operation noong taong 2016 ngunit nakalabas ng kulungan noong December 2018 matapos mag-avail ng plea bargaining agreement.
Bukod sa posibleng pagkakasangkot sa transaksyon ng iligal na droga, tinitingnan ding anggulo ng pulisya ang kaugnayan naman ni Huelar sa pagsasabong.
Ayon sa hepe, palaging nasa sabungan ang biktima kaya’t maaaring may nakaaway ito.
Ang former Negros Slashers star ay tumakbong punong barangay ng Barangay 35, Bacolod City bago naaresto sa buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency.