-- Advertisements --

Patay ang dating alkalde ng Flora matapos barilin ng hindi pa nakikilang salarin bandang alas-9:00 kagabi sa may bahagi ng Sampaguita St., Poblacion West, Flora, Apayao.

Sa report na inilabas ng PNP-CIDG, nakilala ang nasawing biktima na si Richard De San Jose.

Ayon sa CIDG, nakikipag-inuman lang ang biktima sa mga tauhan nito sa grill house nang biglang sumulpot ang suspek na nakasuot ng camouflage at namaril gamit ang rifle.

Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang suspek.

Sa ngayon patuloy na inaalam na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan nito.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng Apayao PNP hinggil sa krimen at inaalam na ang motibo sa pamamaril.