-- Advertisements --

Nahaharap sa kasong graft si dating Babatngon, Leyte Mayor Charita Chan matapos sampahan ng reklamo ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Batay sa impormasyong nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires na may petsang July 23, 2019 iniakyat ng anti-graft body sa korte ang reklamong katiwalian laban kay Chan matapos makahanap ng probable cause ang mga imbestigador.

Nag-ugat ang kaso ng dating alkalde nang paburan umano nito ang permit ng negosyanteng si Nicomedes Alde para makapag-operate ng sabungan kahit kulang ito ng mga dokumento.

Nabatid na hinarang ng dating hanay ng city council ang aplikasyon ni Alde dahil kulang ito ng requirements.

Ito rin ang natukoy ng Ombudsman sa kanilang pagsusuri.