Sa kauna-unahang pagkakataon, itinalaga ng World Health Organization ang isang Pilipino bilang bagong director for programme management sa Western Pacific na ikalawang pinakamataas na posisyon sa naturang region.
Ito ay si dating Health Undersecretary Dr. Susan Mercado.
Malugod namang tinanggap ng Department of Health ang pagkakatalaga ni Mercado at nagpaabot din ng pagbati si Health Secretary Ted Herbosa kung saan sinabi nito na deserve ng dating Health official ng bansa ang kaniyang pagkakatalaga at inihayag na makakaasa aniya ang Pilipinas at kapwa member states na makakapag-deliver ito ng kaniyang tungkulin para sa kalusugan ng lahat ng mamamayan ng Western Pacific.
Bago ang pagkakatalaga ni Mercado, nanungkulan ito noong 2018 bilang special envoy of the president on Global Health Initiatives, kinilala bilang isa sa 100 Most Influential Filipina Women in the World.
Nanguna rin ito sa pagtugon sa non-communicable diseases sa kaniyang 15 taong pagiging isang doktor kasama ang WHO at nauna ng na-nominate para sa posisyon ng WHO Regional Director for the Western Pacific.