-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si dating Energy Regulatory Commission chairperson Agnes Devanadera bilang bagong acting president at CEO ng Clark Development Corporation (CDC).

Ito ay base sa sulat mula sa Malacañang na pirmado ni Executive Secretary Vic Rodriguez kung saan itinalaga rin si Devanadera bilang member ng CDC board.

Taong 2017 ng italaga noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Devenadera sa ERC.

Siya ang dating Solicitor General at nagsilbi ring dating Department of Justice Secretary.

Naharap na rin ito sa kasong graft noong naging abogado ng Office of the Government Corporate Counsel subalit ito ay naibasura dahil sa mga delays.