-- Advertisements --

Nagbitiw na sa pwesto si dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario bilang non-executive director ng kompanyang First Pacific Company Limited na naka-base sa Hong Kong.

Batay sa memo na inilbas ng kompanya, sinabi umano ni Del Rosario na problema sa kalusugan ang kanyang rason bakit ito bumaba sa pwesto.

Bukod dito, nabatid din daw ng First Pacific na masyado ng maingay ang pangalan ng dating kalihim sa mga personal na adbokasiya nito.

Epektibo pa noong Lunes ang resignation ni Del Rosario na hinarang kamakailan sa Hong Kong dahil sa sinasabing immigration concern ng estado.

Kung maaalala, dadalo sana noon si Del Rosario sa meeting ng kompanya nang mangyari ang pagharang sa Hong Kong airport.