-- Advertisements --
Napili si dating Department of Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol na magsilbi bilang food security adviser ng incoming National Security Adviser Clarita Carlos.
Pagbabahagi ni Piñol na matagal na niyang kaibigan si Sec. Clarita Carlos at siya rin ang kaniyang naging consultant noong ito ay kalihim ng Agriculture department.
Sang-ayon naman ang dating DA Secretary sa inihayag ni Carlos na ang food security ay dapat na ikonsidera bilang national security concern dahil isa itong mahalgang component ng pambansang seguridad.
Una rito, naitalaga si Piñol bilang Agriculture Secretray noong taong 2017 subalit nagbitiw ito noong 2019 matapos ang umano’y conflict sa economic team ng Duterte administration.