-- Advertisements --

Tinukoy ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang “Freedom of Speech” sa paghain nito ng Supplemental  Motion for Reconsideration sa office of the Ombudsman hinggil sa kinakaharap nitong graft charges.

Nauna nang pinayagan ng Ombudsman ang mga kaso ng graft laban kay Guanzon dahil sa alegasyong maagang paglalabas ng impormasyon tungkol sa mga kaso ng pagkakadiskwalipika ng kandidatong pangulo noon na si Ferdinand Marcos Jr.

Binanggit ni Guanzon sa  kanyang supplemental motion, ang “good faith” at interes ng publiko.

Partikular na tinukoy ni  Guanzon ang desisyon ng Korte Suprema sa ABS-CBN Corp. vs. Ampatuan Jr.(G.R. 227004) na nagsasabing “Freedom of speech and of the press.

Binigyang-diin ni Guanzon na ang kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag ay ang pinaka-kontrobersyal na kalayaan.

Aniya, ang mga kalayaang ito ay ginagarantiyahan na panatilihing kontrolado ang kapangyarihang isinuko sa pamahalaan, at ang mga kalayaang ito ay makapangyarihang sandata ng pananagutan.

Dagdag pa ni Atty Guanzon ang kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag na may pampublikong interes ay walang censorship o parusa upang panatilihing walang harang, matatag, at bukas ang mga pampublikong debate.

Kung maalala nuong Lunes, nagsampa ng supplemental motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman si Guanzon.

Binigyang -diin ni Guanzon na hindi naman siya nag nakaw sa gobyerno.

Ang graft charges ni Guanzon ay walang kinalaman sa mga corruption allegations.