-- Advertisements --
Pansamantalang pinalaya ang dating campaign manager ni US President Donald Trump na si Paul Manafort.
Ang nasabing hakbang ay base na rin sa hiling ng kaniyang abogado dahil sa coronavirus pandemic.
Mula pa noong Hunyo 2018 ay nakakulong na si Manafort matapos hatulan ng pito at kalahating taon na pagkakakulong dahil sa bank at tax fraud ganun din ang foreign lobbying-related crimes.
Noong nakaraang buwan kasi ay hiniling sa korte ni Kevin Downing ang abogado ni Manafort na kung maaari ay doon na lamang ito sa bahay makulong para hindi mahawaan ng virus sa federal prison sa Western Pennsylvania.
Umabot naman sa mahigit 2,500 na mga inmates sa buong bansa ang pinayagang sa bahay na makulong para hind mahawaan ng sakit.
















