-- Advertisements --

Nabiktima ng kawatan si dating British boxer Amir Khan.

Sinabi nito na habang kasama niya ang asawa sa Leyton, east London ay tinutukan ito ng baril ng dalawang lalaki.

Kinuha ng mga hindi pa kilalang suspek ang kaniyang relo.

Dagdag pa ng 2008 Olympic silver medalist na ligtas siya at ang asawang si Faryal.

Iniimbestigahan na ng Metropolitan Police ang nasabing insidente na naganap sa High Road, Leyton.