-- Advertisements --
Muling bumalik sa pagkapangulo ng Brazil si Luiz Inacio Lula da Silva.
Tinalo kasi nito sa nagdaang halalan noong Oktubre ang outgoing leader na si Jair Bolsonaro.
Ito na ang pangatlong beses na magbabalik sa pagkapangulo ng 77-anyos na si Lula.
Nagwagi si Lula matapos ang halos limang taon na pagkakakulong dahil sa kaso ng kurapsyon.
Naging pangulo si Lula mula 2003 hanggang 2010.
Nagpakalat ng maraming kapulisan sa lugar para matiyak ang seguridad ng mga dumalo ng inaguaration ng pangulo.
Hindi naman nakadalo si Bolsonaro sa panunumpa ni Lula dahil ito ay umalis patungo sa ibang bansa.
Dumalo sa nasabing panunumpa ang mga lider ng Germany, Portugal at ang hari ng Spain.