-- Advertisements --

Tila “waiting game” sa fans ng Filipino-German model na si Clint Bondad at ng Fil-Am actor na si Samuel “Sam” Milby kung magkakaroon ba ng ugnayan ang dalawang lalaki sa buhay ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Ito’y matapos mismong si Clint ang nag-post sa pamamagitan ng tinatawag na IG story ng screenshot ng pagpapadala niya ng mensahe kay Sam kung saan kanya itong inaalok na maging kliyente.

Sa “direct messaging,” may time stamp itong “Yesterday 5:34 pm” kaya posibleng ipinadala ni Bondad ang message kay Milby kahapon, July 12.

Ang 26-year-old model na ka-edaran ni Catriona ay isa ring negosyante at usap-usapang pinasok na ang fitness industry.

Wala namang nabanggit kung para saan ang business proposal niya sa 36-year-old-actor na siyang bagong boyfriend ni Catriona.

Nabatid na wala pa ring “say” ang pang-apat na Pinay Miss Universe sa pag-amin ni Milby na sila ay magkasintahan na.

Abril noong nakaraang taon o mahigit isang buwan lamang matapos ang kumpirmasyon na nauwi na sa hiwalayan ang anim na taong relasyon nila ni Gray, naging usap-usapan ang uamno’y kissing photo ni Clint kasama ang isang hindi kilalang babae habang nasa isang bar.