-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si dating The Beatles member na si Ringo Starr.
Dahil dito ay kinansela niya ang mga nakatakdang mga concert.
Nasa Canada Life Center na ang Beatles drummer ng ianunsiyo ng pagpositibo sa virus.
Inanunsiyo ng kaniyang All-Star band na kanilang itutuloy na lamang ang concerts kapag tuluyan ng gumaling si Starr.
Noong nakaraang linggo na rin ay kinansela na niya ang concert sa Minnesota matapos na ito ay nagkasakit.