-- Advertisements --

Ibinunyag ni dating Azkals team captain Stephan Schröck ang maling pagtrato sa kanila ng mga taong namumuno sa Philippine National Team.

Sa kaniyang social media account, isiniwalat nito ang maling trato sa kanila.

Untitled

HIndi naman niya binanggit o pinangalanan ang taong tinutukoy niya.

Sinabi nito na hindi na siya nakasama sa koponan subalit hindi pa rin siya pinayagan na maging katunggali ng koponan.

Nilunok na rin niya ang kaniyang pride at ego para matulungan ang bansa subalit iba ang nangyari.

Inilabas ni Schrock ang kaniyang pahayag isang linggo matapos na maitalaga bilang head coach ng Azkals si Thomas Dooley.

Si Dooley kasi ang siyang nagdala sa Azkals para makapaglaro ang mga ito sa AFC Asian Cup noong 2018.

Noong 2014 ay hindi pinayagan ni Dooley na maglaro si Schrock matapos na magkaroon sila ng alitan.