-- Advertisements --
Ibinunyag ni dating Azkals coach Sven-Goran Eriksson na ito ay mayroong pancreatic cancer.
Ayon sa Swedish coach na may taning na ito ng kulang isang taon bago mabuhay.
Ang 75-anyos na si Eriksson ay nagsilbing coach ng England mula 2001 hanggang 2006 at nagwagi ng titulo sa club level Italy, Portugal at Sweden.
Sa 10 laro na hinawakan nito ang Azkals ay mayroon siyang dalawang panalo, dalawang draw at anim na pagkatalo.
Nadiskubre na lamang niya ang sakit noong nakaraang taon ng ito ay biglang nawalan ng malay.
Mula noong nakaraang taon ay nilimitahan niya ang paglabas sa publiko.