Isang araw kasunod ng nangyaring dalawang pagsabog sa Kabul airport na ikinasawi ng mahigit 95 Afghans at 13 US service members, ipinagpatuloy ang evacuation flights sa Afghanistan.
Naghahabol kasi sa ngayon ang US military sa pag-pullout sa mga American at Afghans bago pa man ang August 31 deadline na itinakda ni President Joe Biden.
Sinikap ni Biden na palawigin sana ang deadline na ito subalit nagbanta ang Taliban sa posibleng consequences na posibleng mangyari kung hindi makalabas ng Afghanistan nang sakto sa oras ang lahat ng mga sundalo ng America doon.
Samantala, sinabi ni Biden na posibleng masundan pa ang mga pag-atake sa Kabul airport bago pa man ang August 31 deadline.
Hanggang kahapon, sinabi ng America na mahigit 100,000 katao na ang inilikas palabas ng Afghanistan, pero nasa 1,000 pang American at ilang libo pang Afghans ang naghihintay ng kanilang pagkakataon na makalabas ng naturang bansa.