CENTRAL MINDANAO-Nilamon ng apoy ang mga kabahayan na ginawang evacuation center ng mga katutubo sa mga nagdaang lindol sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay M’lang MDRRM Officer Bernardo Tayong ll na tinupok ng apoy ang mga kabahayan sa Sitio Biao Barangay Esperanza M’lang Cotabato.

Karamihan sa mga bahay na nasunog sa lugar ay pag-aari ng mga tribung inilikas matapos ang nagdaang sunod-sunod na lindol sa probinsya.

Dahil sa gawa sa light materials ang mga bahay ay mabilis itong nilamon ng apoy at halos hindi na inabutan ng mga nagrespondeng pamatay sunog.

Bago ang pagliyab ng malaking apoy ay narinig ng mga katutubo ang isang putok at doon na nag-umpisa ang sunog.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP-M’lang) sa nangyaring sunog.