-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng European tour ang nagwagi sa Eurovision Song Contest sa Ukraine para makalikom ng pondo.

Ayon sa Kalush Orchestra na gagamitin nila ang pondo para tulungan ang kanilang sundalo na patuloy na nagtataboy sa mga Russian forces na lumusob sa kanilang bansa.

Sinabi ng kanilang frontman na si Oleh Psiuk na sa mga susunod na araw ay kanilang iaanunsiyo kung saang mga lugar gaganapin ang nasabing European tour.

Umaasa ito na sa susunod na mga taon ay mapiling host ang Ukraine ng nasabing singing contest.

Naging paborito ang nasabing banda sa Eurovision ng pumatok ang kanilang kantang “Stefania” na pinaghalong rap at folk music.