-- Advertisements --
Nanawagan si European Commission President Ursula von der Leyen sa mga bansa na dapat ay dagdagan pa ang mga military support nila sa Ukraine.
Sinabi pa nito na nangangailangan ngayon ang Ukraine ng lahat ng uri ng military equipment na kaya lahat ng uri ng pakikipaglaban kabilang na dito ang advance system.
Ito rin aniya ang ipaparating niya sa mga opisyal ng Germany na makakapulong niya sa mga susunod na araw.
Magugunitang hinihikayat ng United Kingdom ang Germany na magbigay ng mga German-made na Leopard tanks.