-- Advertisements --
Maglalaan ang European Commission ng nasa $5 bilyon na macro financial assistance sa Ukraine.
Ayon kay EU Commission President Ursula von der Leyen na ang nasabing proposal ay para matulungan ang Ukraine matapos ang paglusob ng Russia.
Bahagi ang halaga sa $9 bilyon na funding package na unang napagkasunduan ng mga EU leaders noong Mayo.
Hinihintay na lamang nila ang pag-apruba ng European Parliament at EU Council sa nasabing proposal.
Magugunitang maraming mga bansa na rin ang nagbigay ng tulong pinansyal at maging armas sa Ukraine para tuluyang talunin ang Russia.