Wala pang plano ngayon si Filipino Olympic boxer Eumir Marcial kung sino ang maaring isunod niyang makaharap.
Kasunod ito sa matagumpay niyang laban kay Steven Pichardo ng US nitong Linggo sa laban na ginanap sa California.
Sa ngayon ayon sa kampo ng 26-anyos na boxer ay magpapagaling muna ito mula sa sugat sa kaniyang kanang mukha na nakuha dahil sa aksidenteng headbutt.
Nanatiling walan pang talo ang Olympic bronze medalist sa kaniyang tatlong laban na mayroong isang knockout mula ng sumabak sa professional boxing.
Habang si Pichardo ay mayroong walong panalo at tatlong talo na mayroong dalawang knockouts.
Ang nasabing laban ay undercard din sa laban ng Filipino boxer na si Jerwin Ancajas kay Fernando Martinez kung saan bigong mabawi ng Pinoy boxer ang kaniyang IBF title.