-- Advertisements --
Binigyan na ng lider ng European Union (EU) ng candidate status ang Ukraine, Georgia at Moldova.
Isinagawa ang nasabing pagpapasya sa pagpupulong ng EU leaders sa Brussels.
Sinabi ni European Council President Charles Michel na isang makasaysayan ang nasabing desisyon nila na mabigyan ng candidate status ang nasabing mga bansa.
Naniniwala naman ang ilang miyembro ng EU na magkakaroon ito ng epekto sa Russia matapos na atakihin ang Ukraine.